Kaliwang ugat ng baga

Ang mga pulmonary vein o ugat ng baga ay ang mga ugat na naghahatid ng dugong mayaman sa oksiheno mula sa mga baga papunta sa kaliwang atrium. Apat ang bilang nito, ibig sabihin ay dalawa para sa bawat baga. Ang dalawang pares ng ugat ng baga, itaas at ibaba, ay matatagpuan sa dibdib. Ang kaliwa at kanang ugat ng baga ay nagmumula ayon sa pagkakasunod sa kaliwang baga at kanang baga. May katamtamang haba ang mga ito na 15 mm at diyametro na 15 mm at walang balbula.Ang apat na ugat ng baga ay may pahalang na daan papunta sa likurang bahagi ng kaliwang atrium. Bahagyang nakahilig pababa ang daang ito para sa mga ugat sa itaas. Dumadaan ang mga ito sa fibrous pericardium kung saan bahagyang natatakpan ang mga ito ng serous na lamad at pagkatapos ay bawat isa ay hiwalay na dumudugtong sa kaliwang atrium.